Welcome to San Juan La Union surfing capital of Northern Luzon!
Sa wakas nakarating na rin ako dito! Sorbang saya, sobrang daming magagawa dito at madami din mga hidden places na gusto mong puntahan. Nag punta kami dito nung July 31, 2015 actually inaya lang kami ng friend ko. We decided to go to, walang booking, walang accomodation and walang planadong usapan. Since free sched naman kami at that day, sumama na rin kami. We drove from Laguna to La Union, usapan na call time namin sa Alabang 5am, pero dahil pilipino time nagkita kita kami ng 7am, yup tanghali na pero good pa rin nagtawanan nalang kasi wala na naman nakatupad ng tamang oras. Hehe
From 7am, drive drive drive! Loooong drive, grabe! 3 kaming nagpalitan sa pag da-drive, sakit sa paa, sakit sa tuhod, sakit sa likod. Umabot din kami ng 6 to 7 hrs drive (kasama na dun ang stop over, lunch and pag CR) ang pahinga namin sa resort na kung saan kami nag-checked in. Nakarating kami around 2pm na, sa San Juan La Union kami naghanap ng resort na pwede pag stay-an ng 3D2N na accommodation or pwede rin naman 1 night lang. Nakapagcheck-in kami dito Surfing at Sebay Surf Central (photo op) P1500.00/night nila 2 pax na (Aircon, Queen size bed, 1 clean shower bathroom with towel, tissue and soap, Cable TV, Free Wifi etc. see the link) actually pwede nyo tawagan may contact number naman sila sa link. 1 night lang kami doon, kasi gusto pa namin mag check-in sa ibang resort at makita ang ibat ibang ganda ng place nila.
1st day at that same day July 31, nagpunta agad kami sa Capitol San Fernando na makikita mo ang overview ng buong beach ng San Juan. Makikita mo rin doon ang view ng sunset, napakaganda, nakaka-amaze ang ganda nya, nakakawala ng pagod sa byahe.
View 'to from above ng Capitol, ganda no? Alam ko mas marami pa kayong magagandang kuha instead of mine, pero ito na talaga yung pinakamaganda view sa part ng Capitol. Sunset.
Some of my photo op during staying and watching the sunset. Its an amazing scenery! Punta kayo dito pag nagawi kayo ng La Union San Fernando. :)
Photo op :)
Photo bomb! Hehe
The next day, we went to hidden falls in San Gabriel La Union. Madami rin ma-pupuntahan sa San Gabriel, honestly speaking may kasama kaming taga-LU mismo and he said hindi pa nya napupuntahan ang mga falls dito. Actualy hindi naman namin lahat pinuntahan dahil malalayo rin at kailangan mag-trek and were not ready to do trek kasi nga hanggang dito lang ang plano namin, pero sayang kasi nasa place na kami and yet hindi pa namin talaga sya pinuntahan, Anyway may next time pa naman we will go back here to visit those falls. Kaya kayo punatahan nyo na habang nasa San Gabriel kayo dont be like us na hindi naman napuntahan lahat. But here some photo op that can give you an idea when you go here.
Baroro River Crossing I
Crossing II
And a bit trek..
Haha! Here some of photo op. Please do wear a comfy slippers or atleast matibay na slipper. It might help lalo na kung madulas at matubig ang dadaanan nyo. Or any slippers or trek shoes ang mayron kayo, kami ito slippers lang. See the picture, madumi. Hahaha pero sa amin ok lang kasi nag eenjoy naman kami habang nag-trek.
Sya si Kuyang tour guide. Sorry hindi ko na matandaan name nya, pero tips nya kung magpapa-tour guide kayo pumunta kayo sa Municipal ng San Gabriel kasi sila lang yung authorize na mag tour sa inyo sa mga falls, may mga certificate silang naka-issue sa bawat tour guide at may kanya kanyang gamit sila na bigay sa kanila ng Municipal, like Trek Bag, Plastic Bag (para sa mga gamit nyo na hindi pwedeng mabasa habang nag-trek), Tumblr (para sa tubig nya) and kung ano ano pang kits. Si kuya pa ang magbubuhat ng mga gamit nyo at tutulong para hindi kayo mahirapan. Oh di ba? Ayos silang kasama. Dahil dyan kuya High Five para sayo! Sobrang bait nya.
Makikita nyo naman sa picture na 'to kung ano ano ang mga supply sa kanila ng Municipal, astig di ba? :)
Enjoy seeing photo op! :)
Bukod sa mag-picture at magtampisaw sa falls na 'to, madami pa kayo magagawa. Pwede kayo magphoto op at mag explore sa pamamagitan ng mga camera nyo or sa pag photograph ng mga paligid.
At syempre, hindi ko pwede palampasin na wala akong gagawin na mas exciting sa lahat ang Cliff Diving. First time kong gagawin 'to, sa una kinakabahan. Sa mga video's na naka-record mga ilang minutes akong nakatayo at tinatantya ko kung saan ako tatayo at saan ako babagsak sa tubug. Sabi ni kuyang tour guide, from above hanggang sa pinaka-ilalim approximately 20ft ang taas nya, kaya ganoon nalang ang worry ko, dahil hindi ako nag-paawat tinuloy ko at tumalon ako. Grabe! That was my very first time cliff diving, sobrang sarap sa paki-ramdam, sobrang saya at sobrang na-enjoy ko. Uulit pa sana ako, hindi ko nalang tinuloy kasi nahihiya na ako sa mga nag aantay sa akin para tumalon baka kasi matagalan na naman ako. Hahaha! But overall, that was awesome (sabi ni Enchong). Hehe!
Next stop was,,
Halo-halo de Iloko Restaurant. Soooobrang sarap ng pagkain dito at sobrang entertaining ng place. Isa lang naman ito sa mga lugar sa La Union ang dinadayo ng mga tao at mga artista. Isang bahay turned into Restaurant, very nice and the place was so colorful, maganda sa mata. The place is also featured in TV like Krist Tv and Unang Hirit etc and not just in TV but also in Food Magazine, Galing di ba? See the photo op :)
Overall experience here is awesome! Sa mga may balak pumunta ng La Union, make the most out of it. Promise sulit dito. 3D2N ang stay namin dito, first night was in Sebay and other one night was in Costa Villa Resort, P1500.00/night for 2 pax na rin sya, with free Wifi and free brekky for two. Okay di ba? :)
Expenses: Via private car:
Gas Php 2500.00
Toll Php 1500.00
Accomodation Php 1500.00/night for 2 pax
Food Php 500.00/ 2 pax
Pasalubong Php 500.00/ 2 pax
Total of 5000.00 for 2 pax
Tipid na sya for 2 pax, just in case hati naman kayo sa gastos baka may sobra pang pocket money kung maramihan kayo. Hope it will help :)
Madami pa kayo mapupuntahan dito bukod sa mga napuntahan namin. Kulang lang kami sa oras kaya talagang hindi na kami nakapag-gala somewhere. Pwede na din kayo dumeretso to Baguio malapit na 'to don or pa-punta ilocos. Hanggang sa muli mga travelers!!! Mabuhay tayo! :)
Enjoy travelling to La Union guys! :)













No comments:
Post a Comment