Thursday, February 25

Love Thoughts

So, do you ever dream to have a perfect love with the ideal man or a woman for you?Well, I guess we all have that thoughts, to have such a man or a woman we dream of. 

Kahit pa minsan hindi alam na nating hindi naman mangyayare kasi sobrang taas ng dream mo. Siguro nga ganon talaga tayo, pero meron din naman ang mga swerte na yung dream guy or dream girl nila ay napa-sakanila din, nagagawa na nila kung ano ang mga nasa isip mo lang dati.

Masarap ma-inlove, masarap mangarap kasama ng taong mahal mo, at bumuo ng mga panibagong plano para sa inyong dalawa at sa magiging future nyo. Madalas talaga kung sino ang present mo ay may mga nabubuong future plans na gusto mo dalawa kayong tutupad nuon. Sarap isipin na kasama mo sya sa lahat ng bagay, napakasaya sa pakiramdam na kailangan ka nya not because you love each other but definitely you need each other. Haaaay! Sarap talaga ma-inlove no? Hehe


Do you have dream guy/girl?

Syempre yes na yes! :) Sinong walang dream guy at girl? Wala naman yata, di ba? Hanggat kaya mong mag-mahal hindi matatapos ang mangarap pa para sayo at para sa mamahalin mo.

Guy's dream girl?
Mag iisip pa ba? Syempre unang-una, maganda at sexy, madalas talaga physical appearance muna ang tinitignan (reality goes). Meron din naman ugali muna bago ang lahat, I guess ito yung mga tanong hindi namimili kung sino ang mamahalin nila. Sometimes, na-fall ka nalang.
Yung babaeng ipag-lalaban ka kahit anong mangyare, yung mamahalin ka kahit anong mali o kasalanan ang nagawa mo, yung babaeng kahit hindi marunong mag-luto, magagawa nyang matutu para sayo. Yung aalagaan ka, na kahit isusubo mo nalang, ibibigay nya pa para sayo para hindi mo lang ma-feel na walang kayang mag-alaga sayo, yung pag-sisilbihan ka, hindi mo pa hinihingi na-ibigay na nya sayo. Yung ipapakilala ka sa mundo nya, yung ihaharap ka sa magulang nya. Yung gusto nya lagi ka lang lalambingin, yung pag alam nyang nasaktan ka, sya ang gagawa ng paraan para lang hindi mo maramdaman ang sakit, yung kahit sya nalang ang masaktan para sayo (girl spirit teh!) (yung totoo, me hugot ba ako? haha)
Yung kahit niloko mo na at ilang babae na ang lumapit sayo, maniniwala ka pa rin sakanya na ikaw lang at wala ng iba (haaaaay! sa mga guys dyan, im sure isa sa inyo may ganitong situation and all you need is the girl that you dream of) di ba? Hehe
Ano kayang feeling para sa inyong mga lalaki ang na-sayo na ang matagal mo ng gustong babae?

Yung girl na magaan kasama, yung kahit anong joke mo tatawa lang sya ng tatawa kahit korny pa. Yung ikaw lang ang gusto nyang makasama, yung maipag-mamalaki mo sya, yung magbabago ka dahil sa pagmamahal na ibinibigay nya sayo hindi dahil sa gusto nyang magbago ka. The girl that she can bring out the best in you, yung maniniwala sa kakayanan mo, kahit na lahat ng tao hindi naniniwala sayo may isang tao pa rin na kayang maniwala sa kung anong meron sayo (hugot na naman ba ako? haha). Well I know you have that girl in your mind. And para sabihin ko sa inyo meron pang ganyan, nasa tabi tabi lang :)

Guy's dream date?

Hindi ko sure kung anong dream date ni guy para sa love ones nila. Hindi ko alam kung nakakapag-imagine din ba sila tulad ng kung anong mga dream date natin mga babae. Ang alam ko lang sa ngayon at sure ako, yung matupad nila ang dream date ni girl na sya mismo ang kasama nya.

----

Girl's dream guy?
Juskolord, feeling ko mas madami atang gusto ang mga girls unlike guys. Hehe The usual syempre. Gwapo at macho, physical appearance again (reality goes). At syempre ugali din, sinong girl ang ayaw ng sweet, mabait, understanding, thoughtful and masarap kasama? See, alam ko walang may ayaw ng lahat ng ito. Isa lang naman ako sa mga ganito ang hanap ako.
Well, here some attitude that a man can have and that might have you.

Yung lalaking kaya kang ipag-malaki sa mundo nya, sa kung anong meron sya. Yung lalaking gagawin lahat para sayo, yung ipaparamdam nya kung gano ka ka-special sa kanya. Yung lalaking alam mong  nandyan lang para sayo, yung lalaking kayang mag-stand para sayo. Yung kahit anong mood swing meron ka, sasambutin nya lahat yun kasi alam nyang pansamantala lang yun. Yung hindi ka papatulan pag nagtatampo ka. (we have that attitude girls, aminin!) Yung lalaking walang insecurities sa katawan, alam nya kasi na mahal mo rin sya as much as he do. Yung lalaking hindi kayang gumawa ng kalokohan para sayo (kakaunti nalang sila, hahaha) Yung ikaw lang an maganda sa paningin nya, yung kahit madaming girls an nalapit sa kanya hindi nya ito papansinin kasi alam nyang magagalit ka at ikaw lang an gusto nya wala ng iba (meron pa ba?)
Yung sa tingin nya hindi nya kayang gawin pero dahil sa pagmamahal nya sayo nagagawa nya lahat, and thats love. Yung ikaw lahat ang nasa pangarap nya, yung kasama ka sa mga plano sa buhay nya hanggang sa pagtanda (grow old with you)
Dami no? Actually almost perfect na di ba? Pero Im sure madami sa mga nasabi ko ang may kataingian ang karamihan pa rin sa mga guys.

Girl's dream date?
Ako, yung nasa beach.

Beach date with candle light, sweet songs played, wine, steaks and sweet dance! Simple lang naman, pero parang sa mga guys mahirap gawin. Actually baka nauunahan lang ng kaba or hiya but this is the simpliest I know my dream date. Gusto ko nasa beach lang, nagmumuni, nagkwekwentuhan, pinag-uusapan yung mga magagandang bagay na nangyare in past few days, weeks even months, and also para future, syempre pag uusapan nyo din yung bad times na nangyare kailangan yon para maintindihan nyo sa isat isa kung paano nag kukulang at paano ba dapat ayusin. Watching stars while lying  the beach, yun yung pinakagusto ko sa lahat, sobrang relax lang, sobrang steady lang, sobrang sayang kahit napakatahimik nyo lang dalawa. Hehe (see, dami kong naiimagine) And this is my way of my own dream date. Yung ibang girls iba naman ang trip nila, meron dyan gusto restau mas classy and mas formal, meron din naman trip nila sa roofdeck ng isang hotel or ibang building, yung iba sa bahay lang ok na ok na sila. Ako kasi mas gusto ko yung date na kasama na yung relaxation, kasama na yung trip nyong gawin at yung matatahimik yung isip mo sa lahat. ;)


----
Ano nga ba meaning ng hopeless romantic?
hopeless romantic is an expression describing a person who has romantic notions about life.
See, parang yung mga na-isulat ko above. Hehe! That's a sign ba? Mag-explain pa ba ako? Hehe!

----


Dream Love turned into heart ache? Lahat tayo may kanya kanyang dream love. At lahat tayo alam ko iisa lang ang gusto, ang mahalin ka ng taong mahal mo. Minsan naisip ko sobra ka na pala magmahal, to think na hindi na pala ang sarili mo ang priority mo. Mag-e-effort ka para sa kanya, kasi sabi mo gusto mo mahalin ka rin ng taong mahal mo, kaya ginawa mo lahat para sa kanya. Kahit hirap ka na sige lang, kasi masarap sa pakiramdam na nakikita mo syang masaya sa ginagawa mo para sa kanya. Dun palang pakiramdam mo bawing bawi ka na, makita mo lang syang napasaya mo, dun palang kala mo ikaw ang ginawang ng effort. Yung kahit anong sakit ang binigay nya sayo, kahit ilang beses, kahit pakiramdam mo ikaw nalang ang may gusto ng lahat, nandyan ka pa rin naniniwala na kayang bumalik ang lahat. Kala mo madali lang, kasi tanggap lang sya ng tanggap habang ikaw bigay ng bigay, habang sya puno ng panunumbat at ikaw naman puno ng pagmamahal pa rin. Minsan talaga mapapa-isip ka nalang, "kailan ka kaya mamahalin ng taong mahal mo tulad ng pagmamahal at sakripisyo mo sa kanya?" Kasunod noon, mag iisip ka na, "ako nalang ba ang may gusto? Ako nalang ba talaga ang nagmamahal?" Natanong mo na rin yan sa sarili mo pero pinipili mo pa rin tignan ang magagandang dahilan sa kanya, hanggang kailan? Hanggang saan? Paano na kung hindi ka na makaaahon? Tutulungan ka pa ba nya? Paano na kung maramdaman mong gusto mo na rin mag give up? Paano na kung nagising ka na sa katotohanan at gusto mo nalang iwan ang lahat? Ipaglalaban pa kaya nya? Ang daming tanong, ni isa hindi mo alam kung anong sagot. Sana sa mga nakahanap na ng taong mahal nila tulad ng pagmamahal na binibigay mo, sana ingatan nyo ang isat isa, mahirap pakawalan ang taong na sayo pero pinili mo pa rin talikuran sya. Pinili mo pa rin ang iwanan sya sa kung ano man dahilan mayroon ka. Ingatan mo sya, hindi lahat ng second chance ay chance para muling ayusin at mahalin an isat isa, minsan ang second chance ay para sa mga taong kailangan ng closure and to step forward for future. 






----



Habang nag-blog ako ito ang background song ko. Na-inspired kasi ako sa mga post ni Chito sa IG, thats why humanap ako ng non-stop youtube videos nila na. Enjoy watch it. :)


PS.

Paborito ko na dati sila Chito, naririnig ko kasi yung mga songs nila sa kuya ko. And I even more like him now because of how he adores his wife and how he wanted to let the world know and show the world how happy nor luckiest man he is to be husband to his wife. Check his IG, ma-inspired din kayo. SHOUT OUT CHITO, HI THERE! :)


----

Do you have any dreams to share with? Or any dream that you would like to post or to write me down? Just let me know. :)






CIAO!

No comments:

Post a Comment